academya.

nagpapasalamat lang ako sa panginoon ligtas ang pamilya ko sa rizal.

nagpapasalamat rin ako sa panginoon dahil ligtas ang lahat ng kaibigan ko.

—-****—-

Di pa rin kami tapos sa ginagawa namin project ng grupo namin sa isa naming major.  Narealize ko na saksakan ng trabaho pala gawin yung program.  Di sa mahirap, given na talaga yun.  Pero naiintindihan namin ang gagawin kaso matrabaho at maraming bagay na kailangang daanan ng konsiderasyon.  Grabe nakakatanga na talaga.  Kaya pa naman namin, pero hindi ito isang bagay na kayang tapusin ng isang gabi.  Buti nalang inuunti na naming tapusin, dahil kelangan pala na may report kami sa aming prof kung ano na ang estado namin sa project.

Take note, may dalawang project pa akong dapat aasikasuhin at sabay sabay silang lahat.  Kamote.  Kung pwede lang talaga hatiin ang katawan, matagal ko na talagang ginawa yun. Pang-inis.  May malakihang event pa akong inaasikaso.  Kamusta naman ako, wala na talagang pahinga.

nagpapasalamat ako sa panginoon dahil kaya ng katawan ko ang matinding stress na hatid ng kolehiyo.

nagpapasalamat ako na sa araw-araw na pumapasok siya sa utak ko, narito lagi ang stress ng academya para tanggalin siya sa utak ko.  hirap pag may nami-miss.  Pero no, hindi maari na umeksena sa utak.

Hirap ma-inlove.  Hirap rin maging sawi.

~ ni Rafaelis sa 09/29/2009.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.